top of page

Lamberto E. Antonio

maxresdefaultBW.jpg

May Ibinabangong mga Alon ang Iyong Pangalan
 

 

May ibinabangong mga alon ang iyong pangalan
Na sapat lumiglig sa buwan, araw at mga bituin
Kaya nangungulila sa akin ang dalampasigan.

 

Isang nagdurugong magdaragat itong buhay
Na hindi pasusupil sa daluyong, kaya tantuing
May ibinabangong mga alon ang iyong pangalan.

 

Maaaring samsamin ng paningin ang sandaigdigan
At liwanag nito kung ipahihintulot ng tabsing
Kaya nangungulila sa akin ang dalampasigan.

 

Mga lagas na pakpak at bungo sa buhangi’y kagandahang
Nagsisiwalat ng pagitan ng parola’t dapat tawirin-
May ibinabangong mga alon ang iyong pangalan.

 

Wala, walang ngalan ang pusong siyang kaibuturan
Ng nilikhang hindi masasakmal ng panagimsim
Kaya nangungulila sa akin ang dalampasigan.

 

Inuukilkil ng hangin ang nakapader na katahimikan
Sapagkat ang lahat ay kinuyom ng inyong paningin.
May ibinabangong mga alon ang iyong pangalan
Kaya nangungulila sa akin ang dalampasigan.

Your Name Awakes Waves from the Sea

 

​

​

Your name awakes waves from the sea

That can send moon, sun and stars trembling,

That is why the seashore is lonely for me.

 

Of a wounded seafarer is this life of mine

That bows to no storm: it is for your knowing

That your name wakes waves from the sea.

 

The gaze can seize the whole of creation:

Its light, too, by river and brine decreeing,

That is why the seashore is lonely for me.

 

Skulls and broken wings on sand: their splendor

Spreads the gulf between lighthouse and crossing—

Your name awakes waves from the sea.

 

No, there is no name for the heart inmost 

Of this being unafraid of visions and foreboding,

That is why the seashore is lonely for me.

 

The wind whips at the walls of silence

For in your gaze you have seized everything.

Your name awakes waves from the sea,

That is why the seashore is lonely for me.

​

bottom of page