top of page

Mike L. Bigornia

Only the Lonely

 

(kay MLK) 

​

​

Tayong anak ng lumbay lamang

ang ganap na nakakikilala

ng ganyang melodiya at lirik.

 

Isipin mo,

bawat subyang ng pantig na ihagkis

ng bibig ng mang-aawit ay banal

na imbitasyon upang mas sumigasig

ang ating panglaw at hapis.

 

Nakasalampak tayo dito

sa malamig na sona ng dilim

at waring ipinagdadamot

ang naimpok na kasawian.

Marami tayong pangarap

at mas hilig natin ang mahirap abutin.

Maaaring humihiling ako ng ulan

at ikaw'y ng mahabang tagtuyot.

Pero tignan mo, di ba't

para tayong langong arlekin

pagkindat ng malisyosang mga ilaw?

 

Sa bagay, talagang tayo

ang kartograpo't soberano

sa kilungib ng ating salamisim

na kay-ingat na inaruga't ginigiliw

tulad ng pagsimsim ngayon

sa lasong banayad na dumadaloy

sa dila't lalamunan.

 

Makatwiran samakatwid

na ituloy natin ang pagpapatianod.

Batiin natin at tagayan

ang ating sarili

at isiping isa lamang ito sa mga dulang

dapat marinig bilang awit.

 

Hala, laklakin mo ang iyong tagay

at parating na ang susunod na bote

at iba pang lason.

​

​

​

Only the Lonely

 

(for MLK)

 

​

We alone, Children of Sorrow,

can appreciate

this kind of melody and lyric.

 

Listen,

each splinter of verse the singer

sings as if with the flick of a whip is a sacred

summons for us to be more zealous

in punishing ourselves.

 

Slumped here in the chill

of air-con in our zone of seclusion,

we jealously guard

our hoard of anguish.

We have a variety of wild dreams

and we hanker for the wildest.

I would ask for rain

and you for drought.

But look, aren’t we

just soused harlequins

when the naughty Tivoli bulbs blink?

 

Truth is, we are

the cartographers and sovereigns

of our own cave of illusions,

such illusions we’ve nurtured and nursed

the way we nurse ourselves now

sipping the poison that salves the back

of our tongue, the gullet of our throat.

 

It is forthright, therefore

that we continue to drift.

Let us congratulate and toast

ourselves

and regard this as one more play

that should have been sung.

 

Very well. Down your drink,

my friend, because another bottle is coming,

and other poison.

​

​

​

​

Mike L. Bigornia 1950-2000

bottom of page