Poetry&Stuffby
MARNE KILATES
MARNE
S
KRIPTS
from
Antinostalgia & the Tokhang
Rhapsodies
from
Antinostalgia & the Tokhang
Rhapsodies
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
from
Antinostalgia & the Tokhang
Rhapsodies
Poems 2022
Poems 2022
Poems 2022
Poems 2022
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
From Mga Biyahe, Mga Estasyon
From Journeys, Junctions
(a collection of travel poems)
Uyayi ng Yaya
Buhok na kaypino,
Sinlambot ng sutla,
Ang sinusuklyan
Ay alagang bata.
Ang sariling anak
Hindi mapagpala,
May ibang kandungang
Nag-aaruga.
Buhok ng alaga’y
May samyo ng hardin,
Bango ng bulaklak
Na wala sa amin.
Katawang malusog
Ang sarap yakapin,
Ang nilalambing ko
Ay hindi sa akin.
Ang kandong-kandong ko’y
Supling ng mayaman,
Ang buong araw ko’y
Kanyang-kanya lamang.
Sa sariling bunso,
Gusto sanang mag-iwan,
Kapirasong puso,
Tirang pagmamahal.
The Yaya’s* Lullaby
Hair so fine,
Soft as silk,
Gently I comb
This yaya’spet.
To my own child
This caring I can’t give,
In another bosom,
Mine I had left.
Hair of my ward
The scent of gardens,
Sweetness of flowers
We don’t have.
Body so pink,
So nice to embrace,
Ah, it’s not mine,
This child I caress.
The one I dandle
Is a child of the rich,
My day, whole
And entire, is hers.
To my own beloved
I would’ve wanted to leave
A wee bit of my heart,
My leftover love.
​
​
*Nanny
​
​
​
Dalangin para sa Batang Grasa
Sanlagok na tubig
Sansubong kanin,
Kapirasong bubong,
Sambutil na asin.
Apo sa itaas, ito
Ay dukhang dalanging
Namamalimos ng
Kalingang sangkusing.
Sa siyudad na ito
Ng gabing maningning,
Ang tanging kanlunga’y
Sira-sirang dilim,
Nagbitin sa langit
Pangaraping bituin,
Sana may mahulog
Na maigsing himbing.
Gulanit na araw
Susungaw na umaga.
Babangon ang banal,
Magsisipagsimba.
Tatanga sa wala
Ang walang pag-asa.
Apo Diyos sa itaas,
Dungawin mo sana!
Prayer for the Street Urchin
A drink of water,
A handful of rice,
A patch of roof,
A pinch of salt.
Lord above, hear
This beggar’s prayer,
Drop me a small
Coin of care.
In this lovely city
Of flickering night,
The unkempt darkness
Is my only bed.
From the sky hang
The stars of my dreams,
Please let fall
A moment’s sleep.
From morning’s window
The tattered sun peeps,
Then the pious widows
Will rise and flock to church.
Those who hope for nothing,
At nothing will stare,
Lord God above,
Spare me a glimpse!
​
​
​
​
​